
Hindi niyo ba napapansin? Haha. O pansin na pansin na? Hahaha. Eh eto, pansin ko lang talaga. Kasi kanina, umaga mga 10AM. Lagi akong online ng ganong oras at alam kong wala pang masyadong online nun. Pero kanina. Sabe ko “Like this and i’ll check your blog. :)”. Aba. Grabe. Dagsaan ang likers. Wala pang 1 minute ata, 20+ agad. My gosh. Hahaha. Grabe. Ganun na ba tayo ngayon? Puro followers na lang ang gusto? Haha. Hindi naman sa ano, pero nirerespeto ko na ang mga tao dito sa Tumblr. Alam ko naman tayong lahat nung una gusto nating matulad dun sa ibang sikat dito. Kaya yun. Respect na lang sa gusto ng mga tao. Gusto nila ng Check blogs? Fine. whatever. Basta sasabihin ko lang sa inyo, earn your followers by posting nice/awesome stuff not by doing many promos.